Ang Pitong Teoryang Dapat Taglayin ng Isang Nobela
Ang Pitong Teoryang Dapat Taglayin ng Isang Nobela Isinulat ni Annaly Langomez 1. Bayograpikal— Nasasalamin dito ang buhay ng awtor. Dapat habang binabasa ang Nobela merong pangyayari, o katangian doon na nangyari sa manunulat. Hal: Sa nobelang Noli Me Tangere Si Ibarra doon ay nakapag-aral sa Europa. Ayaw niya nang madugong labanan. (Katangian iyon ni Rizal) 2. Historikal— Ilalagay kung anong taon, o importanteng pangyayari sa panahon na iyon o sa nakaraan. Puwedeng isulat natin kung sino ang kasalukuyang pangulo ng bansa. Ang talagang nagmamarkang event sa kasalukuyan. Hal: (Sa Noli Me pa rin) Panahon ng kastila niya iyon isinulat. Kaya mababasa do’n kung ano ang mga katiwaliang nangyari no’ng mga panahong iyon. 3. Kultural— Magkaangklas ang wika at kultura kaya’t kung gaano kaunlad ang kultura ganoon din ang wika sa lipunan. Mayaman tayo sa mga pamahiin o kanya-kanyang paniniwala. Kapag nagsusulat tayo ng nobela, huwag kalimutang isali ang mga kaugalian ng mga tao sa ating pali...