Posts

Ang Pitong Teoryang Dapat Taglayin ng Isang Nobela

Ang Pitong Teoryang Dapat Taglayin ng Isang Nobela Isinulat ni Annaly Langomez 1. Bayograpikal— Nasasalamin dito ang buhay ng awtor. Dapat habang binabasa ang Nobela merong pangyayari, o katangian doon na nangyari sa manunulat. Hal: Sa nobelang Noli Me Tangere Si Ibarra doon ay nakapag-aral sa Europa. Ayaw niya nang madugong labanan. (Katangian iyon ni Rizal) 2. Historikal— Ilalagay kung anong taon, o importanteng pangyayari sa panahon na iyon o sa nakaraan. Puwedeng isulat natin kung sino ang kasalukuyang pangulo ng bansa. Ang talagang nagmamarkang event sa kasalukuyan. Hal:  (Sa Noli Me pa rin) Panahon ng kastila niya iyon isinulat. Kaya mababasa do’n kung ano ang mga katiwaliang nangyari no’ng mga panahong iyon. 3. Kultural— Magkaangklas ang wika at kultura kaya’t kung gaano kaunlad ang kultura ganoon din ang wika sa lipunan. Mayaman tayo sa mga pamahiin o kanya-kanyang paniniwala. Kapag nagsusulat tayo ng nobela, huwag kalimutang isali ang mga kaugalian ng mga tao sa ating pali...

Ang Pilipinong Dayuhan sa Sariling Bansa

ANG PILIPINONG DAYUHAN SA SARILING BANSA   ni Dr. Nestor C. de Guzman   Saan nga ba sa mundo makakakita ng isang dayuhan sa sariling bansa? Meron ba? Nais kong ibahagi sa inyo kapwa ko Pinoy ang isang simpleng artikulo. Simple pero parang mahirap gawin ng karamihan sa atin, pero kung kakayanin, baka sakaling magawa. Hindi ito makukuha sa puro daldalan lang or walang kabuluhang pagtatalo, kumilos tayo, ngayon na. Madalas mangibang bansa ang mga Pilipino.  Natural, kahit papaano, mag-iiba ang kanilang ikikilos. Sa ibang bansa, kapag sila ay nagkasala, pinarusahan sila ayon sa batas. Sa Pilipinas, kapag nagkasala ang Pinoy, ayaw niyang maparusahan kasi sabi niya mali raw ang bataw. Ang galing mangatwiran. Lalo na kung ang batas ay hindi positibo sa kanila. Sa ibang bansa, pinag-aaralan muna ng Pinoy ang mga batas bago siya pumunta roon, kasi takot siyang magkamali.   Sa Pilipinas, kapag nagkamali ang Pinoy, sorry kasi hindi raw niya ...

Lasa ng Pag-ibig ni Annaly E. Langomez

Lasa ng Pag-ibig Isinulat ni Annaly E. Langomez MALAPIT nang tuluyang balutin ng dilim ang kaunting liwanag sa paligid ngunit hindi pa rin tapos si Keemaia sa paglilinis ng buong bahay.  Pinaandar niya ang ilaw para mas maaninag nang maayos ang mga amag sa paligid. Umaambon man sa labas hindi maikakailang pinagpapawisan pa rin siya. Huli niyang pinakialaman ang isang kahong naglalaman ng mga lumang alaala niya. Pinagpagan niya ang mga nakikitang gamit, halos mga liham at keychains ang nasa loob. Naagaw ang atensyon ni Keemia nang mapansin ang isang kuwardeno at sandaling napatigil dahil dito. Hindi siya nag-atubiling buksan at basahin ang nilalaman ng k'waderno't napagtantong diary pala ito no'ng nasa kolehiyo pa siya. Napangiti siya dahil sa mga nababasa na halata namang mga kasabihan ang mga nakasulat sa bagay na iyon kaya siya naupo muna sandali upang mabasa ang isang nakakaagaw pansing sinulat niya. MARAMING nagsasabing ang pag-ibig ay parang b...

GEHENNA'S MYSTERY by YannaDesu

Image
Gehenna's Mystery by YannaDesu GEHENNA'S MYSTERY by YannaDesu  TEASER      Nagmula sa pamilyang makata. Siya si Gehenna Ledesma. Ikinulong siya sa hawla ng pangalan niyang ibig sabihin ay-- pagdurusa! Kagagawan ng makata niyang ama. Itinuring siyang pangunahing tauhan sa nobela.       Isang nobelang dapat sana'y sa haraya lang tumitira ngunit hindi inaakalang mangyayari din pala sa kanya.   ABANGAN..  Author's Note: Ang ibig sabihin po ng haraya ay ilusyon. Salamat po. More power! Charot haha. Happy reading....

Plumang Malaya

Para sa mga makatang nagnanais lumaya gamit ang kanilang mga pluma.